Welcome, sort of
July 1, 2007
Na-miss ko ba ang pagbo-blog? Sa totoo lang, hindi. Pero heto ako ngayon, nagsisimula ng bagong blog, na header pa lang ay “mukhang kakareerin” na. Hehe. Hindi ko maipapangako na lagi kong iu-update ito. Ang pagsusulat, labas sa opisyal kong sinusulat sa pahayagan, ay hindi madaling mabigyan ng panahon at atensiyon. Gayunpaman, nakakabalisa para sa isang manunulat ang walang blog. Lalo na sa panahong maraming namamasdan at dapat isulat, at may walang hanggang espasyo sa internet. Isa pa, natuklasan ko ang box.net, isang astig na file-sharing site na pwedeng makita bilang widget sa blog na ito (at sabay upload sa hiwalay na photoblog) ang aking mga litrato. Para sa mga nagtataka sa titulo, heto ang quote mula kay Antonio Gramsci: “The old is dying and the new cannot be born. In this interregnum, there arises a great diversity of morbid symptoms.” What else to do with morbidity than to chronicle? Hehe.
Entry Filed under: Personal stuff. .
3 Comments Add your own
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed
1.
kapirasongkritika | July 10, 2007 at 9:38 am
What else to do with morbidity than to chronicle?
“Philosophers have only hitherto interpreted the world in various ways…”
2.
mamamahayag | July 10, 2007 at 10:25 am
Ang GND mo!!! Kainis ka…Hehe.:-)
3.
kapirasongkritika | July 12, 2007 at 5:14 pm
Alam ko namang alam mo iyon. Nangungulit lang. Ang ganda kasi ng blog mo, nakakainggit. Hehe.